Are You Still Single This Season? #SMP #FROZEN

/
0 Comments
Pasko na naman at for sure ang dami sa atin may mga schedule na sa mga kaibigan, kamag-anak, kapamilya na mga gatherings, reunions, at get-together. 

Para sa mga single diyan (mukhang ang dami natin! LOL!), ang mga iniiwasang mga tanong kapag Pasko ay ang mga sumusunod:

1. May partner ka na ba ngayong Pasko?
2. Sinong kasama mo sa Pasko?
3. Single ka pa ba this Christmas?

Maraming pwedeng maging sagot o palusot sa mga tanong na nabanggit. Ito ang mga pwede mong isagot:

1. Hindi ko pa prioritize yan kasi career muna ( haha kasi wala naman talagang nanliligaw kaya subsob na lang sa trabaho!).
2. Strict ang parents ko (kahit pinamimigay ka na nila dahil 40 ka na at NBSB o No Boyfriend Since Birth)!
3. Ang hirap mabuhay ngayon mahal ang mga bilihin (dinamay pa ang ekonomiya e  gumaganda na nga daw ang status ng bansa ngayon!).

At ito ang pinakanakakainis na tanong na parating topic sa mga panahong ito:

"Miyembro ka ba ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko)?"

May sagot na tayo diyan para sa mga miyembro ng SMP! Laking pasalamat na lang natin kay Queen Elsa mula sa pelikulang Frozen kasi sa kanya tayo 'huhugot' ng kasagutan. Ito ang linyang sasabihin natin:

"Yes, its okay, the cold never bothered me anyway (sabay talikod, pak!)."

Kaya huwag matakot mga ka-miyembro ko sa SMP. Naniniwala akong darating ang araw na matatapos din ang membership natin sa samahan na yan. Tiwala lang!






You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.