Si Ateh, ang Naked Truth at Bagyong Mario #nakedtruthnimario

/
0 Comments
Ang Ateh Mo ay nabigyan ng pagkakataon makapanood ng inaabangang rampahan ng mga modelo at mga artista ng isang sikat na tatak ng damit dito sa ating bansa. Hindi pa man dumadating ang araw na iyon ay hindi na makatulog at talagang iniisip kung sino-sino ang mga makikitang artista at modelo.

Ito ang unang beses na makakapanood ang Ateh Mo kaya nagpapasalamat siya sa kanyang kaibigan sa pagbigay sa kanya ng dalawang (2) pirasong tickets para naman may makasama siya sa panonood. 

At dumating na nga ang araw na pinakaaabangan. Subalit mayroong isang malaking hadlang. Hindi lamang ito isang tao, bagay o hayop. Ito ay isang bagyo at tawagin na lamang natin siya sa pangalang Mario. Hala! Bumaha sa buong siyudad at nakansela ang pasok sa opisina at paaralan. Naghihintay ang Ateh Mo, na sana ay makapunta pa din siya sa MOA Arena, sakaling matuloy ang rampahan. Mabuti na lamang ay kinansela ang palabas at iniskedyul sa susunod na araw.

At dumating na nga ang pinakahihintay na sandali. Dumaan na si Mario at matutuloy na nga ang panonood. Ang Ateh Mo ay nagbihis at nakipagkita sa kanyang matalik na kaibigan ng maaga upang sabay na sila pupunta sa itinakdang lugar.

Hindi naman excited ang Ateh Mo dahil tatlong (3) oras bago ang show ay nandoon na sila sa MOA Arena. Huwag ka, ang mga Ateh Mo, napakadami na nila at talagang nagtitiyaga pumila para lamang makita ang mga naggwagwapuhan at nagseseksihang mga modelo at mga artista.

Dahil sa haba ng pila kung anu-ano na ang napagkwentuhan at mga napansin. Hanggang sa pinapasok na mga Ateh Mo sa loob at hinanap ang mga upuan na ayon sa kanilang tickets.

Nakakainip ang mag-antay ngunit nang magsimula na ang palabas, ubos ang boses sa kakasigaw sa mga nakikita ng iyong mga mata. Madami ang nanood at marami ang nasiyahan. Subalit madami din ang bumatikos dahil may mga karapatan na nasagasaan sa tema ng palabas at mga isyu na lumabas na sinasabing labag sa pananaw at paningin ng iba.

Gayunpaman, umuwi ang Ateh Mo na may mga ngiti sa kanyang labi dahil para sa kanya ay isa lamang itong palabas na bihira mapanood. Para sa Ateh Mo, siguro naman ay walang intensyon na makatapak ng karapatan at pananaw ng iba ang palabas na iyon. Pero magbigay aral na lamang ito para sa mga susunod na pagtatanghal ay magkaroon na ng tamang pagpaplano upang hindi na mangyari ang mga pagbabatikos at isyu.


You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.