Si Ateh at Usapang Pusit #usapangpusit

/
0 Comments
Ang Ateh Mo ay napakahilig talaga kumain. Hindi ka mapapahiya sa kanya kapag dinala mo siya sa mga kainan tulad ng eat-all-you-can dahil masusulit mo talaga ang bayad mo rito. Marahil likas na talaga sa kanya ang masarap na panlasa. Nakakahiya nga lang kung minsan dahil sa napalakas niyang kumain ay nakakalimutan nito na may mga iba pang bisita na di nakakain sa handaan.

Isa sa mga paboritong putahe ng Ateh Mo ang pusit. Hindi niya alam pero napapalakas talaga ang kain niya kapag ito ang hinahanda sa hapagkainan. 

Maraming paraan ang pwedeng gawin sa pagluluto ng pusit. Simulan natin sa pagprito nito at may calamari ka na! Naisama minsan sa isang sosyal na kainan ang Ateh Mo at ang salad na natikman niya ay may calamari sa ibabaw ng mga gulay.

 
Isang gabi naman ay niyaya ang Ateh Mo na kumain sa isang restaurant at dahil nga paborito niya ang pusit ay pinili niya ito sa menu, na ang tawag ay baby squids in olive oil (maliliit na pusit na binabad at niluto sa mantikang gawa mula sa olives).


At siyempre di naman mawawala ang pusit na may sarsa na kung minsan ay nilalagyan pa ng sili. Kahit na maanghang ay tuloy pa rin sa pagkain nito.


At ang panghuli, ang inihaw na pusit na napakasarap kainin lalong lalo na kung ang Ateh Mo ay nasa tabing dagat at naghahapunan kasama ng kanyang mga kaibigan, pamilya at minamahal (asa pa!).


Nakakatakam talaga ang mga iba't ibang luto ng pusit. Kung iisipin mo, hindi lang naman ang Ateh Mo ang mahilig dito kundi karamihan din ng mga Pilipino. Di ba nga ay naging bansag pa ito ng isang magaling na beteranang aktres na kamakailan lang ay sumakabilang buhay na.


You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.