Si Ateh, Maria, Leonora at Teresa #MLT

/
0 Comments

Ang Ateh Mo hindi talaga mahilig sa mga katatakutan. Marahil kasi ay aktibo ang kanyang imahinasyon at naiisip niya na magiging totoo ang mga nakakatakot na napapanood niya. 

Sa totoo lang ay natutunan na lamang ng Ateh Mo na manood ng mga ganitong klaseng pelikula dahil sa isinasama siya ng kanyang crush noon sa sinehan para mawala ang takot at matutunang maging matapang sa panonood. Pero ang totoo nito kaya lamang niya ginustong manood ay dahil may pagkakataon siyang makatabi at mahawakan ang kamay ng kanyang crush at makatago sa likod nito.

Ang kaibigan ng Ateh Mo ay nadala sa mga paanyaya ng mga tao at artistang nagsabi na maganda at nakakatakot ang pelikula. Minsan kung iisipin mo kung wala ka talagang hilig sa mga temang ganito ay bakit magbabayad ka sa panonood ng sine para takutin mo lamang ang iyong sarili.

Nagulat at sumigaw ang mga Ateh Mo sa pelikula at magagaling ang mga artistang nagsipagganap. Ang galing ng nakaisip ng pelikula dahil naisipan nitong gumawa ng kakatakutan, na sa pagkakaalam ko ang pamagat ng pelikula ay galing sa pangalan ng manyikang ibinigay ng isang aktor sa isang sikat na sikat na aktres noon at magpahanggang ngayon.

Dahil isang buwan na lamang ay Araw na ng mga Patay, ang pelikulang katatakutan ay paalala na rin sa atin mga Ateh, para sa mga mahal natin na sumakabilang buhay na ang ating panalangin at pagbisita sa kanilang puntod ay huwag kalilimutan kailanman.




You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.