Si Ateh at ang Cosmo #bachelorbash2014

/
0 Comments



Hindi makapaniwala ang Ateh Mo dahil wala pa halos isang linggo ay may rampahan na naman ng mga kalalakihan dito sa kalakhang Maynila.

Dahil si Ateh Mo ay nakakuha ng VIP invitation ay walang atubili itong nagmadali para lamang mapanood ang gabi ng kasiyahan at sigawan. Ang Cosmo Bachelor Bash ay isa sa mga hinihintay na rampahan ng mga binatang kalalakihan at ang mga Ateh Mo ay walang mintis na tinatangkilik ang palabas na ito taon-taon. Salamat talaga ng marami sa nagbigay ng paanyaya at nakapanood ang mga Ateh Mo sa World Trade Center nung gabing iyon ng Miyerkules.

Naging usap-usapan nung gabi ding iyon ang pagkakahulog ng isang sumisikat na batang aktor na produkto ng reality show mula sa stage habang kumakanta at rumarampa. Mabuti na lamang ay naging ok naman ang aktor pagkatapos ng aksidente at tinapos pa rin ang palabas kahit marahil ay nasakatan ito sa pagkakahulog.

Ito ang ilan sa mga kuhang litrato ng Ateh Mo: 

Aljur Abrenica at kapatid na Vin (nakayuko)


Daniel Matsunaga


Vince Ferraren


John Spainhour


Paulo Avelino


Pancho Magno


Markki Stroem




You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.