Si Ateh at ang Lata ng Inumin #sharehappiness

/
0 Comments
Ang Ateh Mo na in-love! Bigay todo sa pagbibigay ng pagmamahal. At di lang yon ang sakit pa sa bulsa ng uri ng pag-ibig, dahil para makuha mo siya ay kailangan madaming laman ang iyong bank account. Bibilhan mo ng mamahaling relo, sapatos, kakain kayo sa mga masasarap na kainan, branded na damit at accessories ang mga gusto, at minsan pati allowance o matrikula sa kolehiyong pinapasukan kailangan din ibigay.

Paano ba naman ang lalaking nakabihag ng pagkatao ng Ateh Mo ay katulad sa nakasaad sa inuming tulad nito:


Hindi ko malaman sa Ateh Mo at napakabilis magkagusto sa isang hottie!!! Kulang na lang ay ibigay ang mga bituin sa langit para lamang makatanggap ng pagmamahal. 

Ang hirap nito kahit naibigay mo na ang lahat sa kanya at naubos na ang ipon mo ay hindi talaga kayang mahalin ang Ateh Mo. Parang gumuho ang mundo at nawala sa sarili ang Ateh Mo. Naisipan na kalimutan ang lahat pero patuloy pa rin bumabalik ang mga magagandang mga ala-ala na naranasan.

Mabuti na lamang ay mapalad ang Ateh Mo dahil mayroon siyang mga kaibigan na handang dumamay sa kanyang sawing puso. Mga totoong kaibigan na mahirap magkaroon sa mga panahong kailangan mo sila.Alam ng Ateh Mo na may dahilan ang lahat kung bakit niya naranasan ang sakit na dulot ng maling pagmamahal. Dahil sa bandang huli ang tunay na pagmamahal ay makikita mo sa kaibigang itinuring kang higit pa sa kapatid, kapamilya o kapuso.





You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.