Si Ateh at Usaping Video Scandal #respectprivacy

/
0 Comments
Dahil walang pasok noong Lunes, 06 October 2014, ay pinagpiyestahan sa social media ang bagong kumakalat na sex video ng isang estudyante mula sa isang sikat na unibersidad. Sa bilis ng social media ay nagtrending kaagad ito worldwide sa Twitter.

Sa totoo lang, medyo dumadami na ang nabibiktima ng video scandal na yan. Parang kailan lang yung kumalat naman ay sa isang sikat na personalidad na tagapagbalita mula sa isang tv network.

Sa opinyon ni Ateh Mo, kung sila man yung nasa video o hindi man, siguro naman mayroon tayong awa sa mga nabibiktima nito dahil hindi naman nila siguro ginusto na makita ng buong madla ang pinaggagawa nila. Ang sa Ateh Mo, sige na nagkamali siguro sila na kuhanan ang sarili sa pamamagitan ng pagvideo pero para lamang yun marahil sa kanilang personal na kopya at hindi nila ninanais na ipamahagi ito sa lahat. Respeto sa pribadong pamumuhay ng isang tao lang naman ang usapin dito. Ang sa Ateh Mo, walang sinumang tao ang gustong ilagay nila ang kanilang sarili sa kahihiyan lalong lalo na sa eskandalong tulad ng sex video.








You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.