Si Ateh at Hustisya para kay Ms. Cherry Pie #justiceforcherrypie

/
0 Comments
Kamakailan lang habang binabayo ni Bagyong Mario ang bansa ay nagulat ang Ateh Mo sa balitang pinatay ang 
ina ng isang napakagaling, hinahangaan at nirerespetong aktres na si Ms. Cherry Pie Picache (kami po ay nakikiramay sa inyo at ang aming panalangin sa inyong ina at sa inyong buong pamilya).

Dahil dito ay nagkaroon na ng imbestigasyon at sa ngayon ay pinaghahanap na ang suspect. Sa tulong ng Instagram ay pinost ni Ms. Cherry Pie ang larawan ng nasabing suspect at sana ay makatulong na rin ang munting blog na ito para madakip at mahuli na ang gumawa nito.

Kung nakita niyo po o may alam kayo kung nasaan ang lalaking nasa larawan sa ibaba na kuha mula sa Instagram account ni Ms. Cherry Pie na @yescppicache ay ipagbigay alam niyo po lamang kaagad sa numerong nakasaad. Ito ang isinulat na mensahe ng aktres:

"Please share this among your network and help us find the criminals behind the violent crime against our mother. We will be grateful for any information that will lead us to justice. Thank you."


Kumakalat na ngayon ang larawang ito at  tumutulong na din ang mga kaibigan ng aktres sa industriya gamit ang Instagram sa pamamagitan ng pagrepost nito. Kabilang sa mga nagrepost ang mga sikat na artista tulad nila Piolo Pascual at Anne Curtis upang maisawalat ang larawan at impormasyon na makakatulong para sa hustisya ng pagkamatay ng ina ng aktres. 

Kuha mula sa Instagram account ni Piolo Pascual na @piolo_pascual.
  
Mula naman sa Instagram account ni Anne Curtis na @annecurtissmith.


UPDATE: 08 October 2014
Laking pasasalamat ng Ateh Mo at nahuli na ang suspect sa karumaldumal na krimen na ito. Maraming salamat sa isang concerned citizen na nagsumbong. 


You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.