Si Ateh at Annabelle #manyikaannabelle

/
0 Comments
Hindi rin talaga maintindihan ng Ateh Mo kung bakit sumama siya at nayaya na naman itong manood ng isa na namang nakakatakot na pelikula. 

Pagnagkakayayaan kasi yung mga sasama ay kakantyawan yung mga takot at ayaw manood. Ang napilitang sumama ay magtatapang-tapangan na lang kahit kinakabahan na. 

Nagmarka nga sa mga manonood ang isa na namang manyika na nananakot, nanggugulat at pumapatay! Sigaw at tili ang maririnig mo sa loob ng sinehan. 

Maganda ang istorya ng pelikula at maging ang mga tunog at musika na ginamit. Magaling din ang mga artistang nagsipagganap. Natakot talaga ang Ateh Mo dahil nga hindi lang basta minumulto ang manyika kundi may mas masamang puwersa kung bakit ganon na lamang ang pagkuha ng buhay ng mga tao ng manyika.

Kung iisipin mo ay kapangalan ng isang beteranang aktres ang pelikula kaya naman sa galing at pagiging malikhain ng mga Pinoy ay may kumalat sa social media na animo'y mukha ng aktres na imbes na mukha ng manyika ang aakalain mong nasa poster ng pelikula. Isipin mo na lang at gamitin ang imahinasyon dahil nakakatakot makasuhan at wala akong pambayad sa abogado kapag inilagay ng Ateh Mo dito ang kumakalat na poster na tinutukoy niya.

Kuha sa labas ng sinehan kung saan nanood ang Ateh Mo.






You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.