Si Ateh at Mariah #bossesnimariahcarey

/
0 Comments
Hindi makapaniwala ang Ateh Mo sa nangyari sa concert ni Mariah Carey sa Japan. Kumakalat kasi ngayon sa YouTube, ang video na kung saan ay bumigay ang boses ni Mariah, na tila hindi niya maabot at bumababa ang boses niya habang kinakanta nito ang mga matataas na parte ng mga pinasikat niyang awitin.

Si Mariah Carey ay may concert tour ngayon na pinamagatang "The Elusive Chanteuse Show" na lilibutin nito ang mga bansa sa Asya at kabilang na ang Pilipinas sa pupuntahan niya. Sana naman ay maalagaan niya ang kanyang sarili para naman makakanta siya ng maayos pagdating niya dito sa atin sa October 28, 2014 para sa concert niya na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Paalala na din ito marahil sa mga may talento sa pagkanta na alaagan ang mga boses dahil yan ang puhunan ninyo. Para naman sa mga mahilig lamang kumanta kahit ayaw naman ng musika sa inyo ay ipagpatuloy niyo lang yan dahil kanya kanyang trip at kapal ng mukha lang naman yan.

Ito ay kuha mula sa YouTube video ng concert ni Mariah sa Japan.



You may also like

No comments :

For inquiries and concern:
Email: atehmo@yahoo.com.ph

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.